
Phuket is the capital of thailand. The island of
Phuket was originally named Jung Ceylon on European charts, a corruption of the Malay Tanjung Salang meaning Cape Salang. One of the main shopping malls in the town of Patong in Phuket is
accordingly thus named.
Mariner of the Seas, angkorahe, dahil sa walang puerto sa lugar ng phuket thailand. Lahat ng barkong
bumibiyahe sa lugar na yon kailangan mag angkorahe,,,pangunahing dahilan ay kawalang ng lugar ng port.

Bawat pasahero ng barko, crew ay kailangan sumakay
ng shoreside tender boat or tender boat. Maliit na
pampasaherong barko na didikit sa gilid ng barko para
ng mga pasahero at crew nais pumunta sa
pampang.

mga kapwa ko crew ng barko at ilang guest namin dahil off duty na oras para gumala.
Makikita naman sa larawang ito ang barko namin
nka angkorahe sa labas ng isla, at maliit na floating pantalan..malapit sa beach kung saan sumasakay at
bumababa ang mga taong nais mamasyal sa lugar.

Sa tabing dagat Patong Beach, madaming activities na pwedeng gawin sa Patong Beach
pwedeng mag arkila ng speed boat, parasailing,
etc. madami din mga bar, resto sa gilid ng beach, mga nagtitinda ng street food, souvenir magnets,
t shirt, cap,etc.

Ako at ang isla ng Patong Beach, kumain ng
streets food nang bansa nila,,maligo, mamasyal
tabing dagat,,,bumili ng souvenir etc.

Ito ay kuha noong Araw ng New Year, isa sa mga nanging guest namin sa barko ay ilan sa ating mga artista sa bansa. Tulad
nina Angel Locsin na nag cruise noong araw ng Pasko kasama ang kaniyang mga pamilya. Ariel Rivera Family, Piolo at ang kanyang anak noong araw ng new year naman.

Sunset sa Patong Beach....

Robinson Thailand, isa sa mga lugar na pinuntahan namin para maghanap ng free wifi hahahaha.
Unfortunately madami signal ng wifi pero karamihan
ay my password o kailangan magpalod gamit ang sim card nila.
Pag bago ka sa isang lugar at kung gusto mo
ma enjoy ito. kailangan maglakad, malayo layo rin
ang Robinson sa pier kung saan sasakay ng tender boat pabalik ng barko.

Mas marami kayo maglalakad mas maganda dahil my makakakwentuhan habang naglalakad iwas
holdap lalo na dayuhan sa isang lugar. Bukod dito sa dami nyo di nyo mararamdaman ung layo ng nilakad nyo dahil my mga kasama kau kakwentuhan.

Pahinga muna sa paglalakad,walang mahagilap
na free wifi kaya ito snacks muna sa mcdo, my free wifi sila need lang ng resibo para mka avail ng wifi nila. Budget meal lang, isang napaka alat na french fries parang sa tubig dagat niluto sa dami ng asin na nilagay, at sweet and taste mushroom burger nila.

Sagana sa lamang dagat ang thailand, karamihan
ng mga bar at restaurant dito mkikita mo e maaari kang magpaluto ng lobster,hipon, ibat ibang isda,
karamihan ay buhay pa nkalagay sa aquarium.

Wet Market,,,isa sa mga madadaanan mo papuntang robinson. Pagmasdan kung gaano kalalaking isda ang
benebenta nila.


Mariner of the Seas, in the middle of the
night. Pagkatapos gumala mabili ang mga pasalubong at kumain, oras naman para
bumalik sa barko para magpahinga
dahil bukas ay my trabaho naman ulit.
Sakay ng Shoreside Tender Boat,
pagkatapos maglakad ng pagkalayo layo,
dahil wala ng pamasahe pauwi alay lakad ulit
papunta sa pier kung saan nag aantay ang mga
maliliit na barko para ihatid pabalik sa barko.

Isang nkakapagod na araw, panibagong karanasan
sa isang lugar alaalang hindi kyang bayaran ng salapi.saying gudnyt to everyone..zzzzh zzzh